Home HOME BANNER STORY Ex-Ecija mayor, timbog sa kalahating milyong tobats

Ex-Ecija mayor, timbog sa kalahating milyong tobats

238
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya ang dating alkalde sa Nueva Ecija matapos umano siyang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon sa isang buy-bust operation sa Barangay Calipahan, Talavera.

Ang 53-anyos na dating mayor, na nagsilbi mula 2007 hanggang 2010 sa Sto. Domingo, ay naaresto noong madaling araw ng Disyembre 31 matapos matagumpay na bumili ng pinaghihinalaang ilegal na droga ang isang undercover na pulis gamit ang marked money.

“Actually, nasa HVI watchlist siya pero hindi pa siya parang newly identified pa… ah, street pusher siya,” ani PCOL Heryl Daguit Bruno, provincial police director ng Nueva Ecija.

Ayon sa imbestigador, ang pinaghihinalaang suplay ng droga ay nagmula sa Metro Manila at Bulacan, ngunit patuloy pang iniimbestigahan ang pinanggalingan.

Ikinaila ng dating alkalde ang akusasyon.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Talavera Police Station at haharap sa kasong droga. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here