MANILA, Philippines- Arestado si Lloyd Christopher Lao, dating officer-in-charge ng Department of Budget and Management – Procurement Service (PS-DBM), sa Davao City nitong Miyerkules, base sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sa police report, nagsilbi ang CIDG kay Lao bandang alas-11 ng umaga ng arrest warrant na inisyu ng Sandiganbayan na may petsang Setyembre 12 para sa anti-graft and corrupt practices law offense.
Kasado ang P90,000 piyansa para sa kanya.
Dinala na si Lao sa CIDG Regional Field Unit 11 office para sa dokumentasyon at wastong disposisyon, base sa CIDG. RNT/SA