Home METRO Ex-PDLs, naglunsad ng art exhibit sa SC

Ex-PDLs, naglunsad ng art exhibit sa SC

178
0

MANILA, Philippines – Ipinakita ng mga dating Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa ibat-ibang piitan ang kanilang husay at galing sa kanilang artwork.

Kasabay nito, inilunsad ang isang art collective ng Bagong Buhay Grup of Artists (BAGA) o mga dating PDLs ang kanilang art exhibit and sale sa Supreme Court Main Building Lobby.

Tatagal naman ang exhibit hanggang Agosoto 29 na may katumbas na halaga mula P3,000 hanggang P30,000 ang bawat obra.

Ang kikitain nito ay ilalaan sa mga artist at mga proyekto ng BAGA, ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting.

Tampok ang mga likhang-sining at handicraft ng mga PDL mula sa Las Piñas, Makati, Maynila, at Pasig City jails.

May palibreng kape naman sa unang araw ng exhibit, para sa unang 500 bisita mula sa isang mobile café na pinapatakbo ng mga dating PDL, at matatagpuan ito bago ang entrance ng Supreme Court. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here