Home NATIONWIDE Executive branch inatasan ni PBBM na magsumite ng budget plan

Executive branch inatasan ni PBBM na magsumite ng budget plan

240
0

MANILA, Philippines – TRABAHO ng ehekutibong sangay ng gobyerno na mag-isip at magpalabas ng spending plan at tiyakin na ang government funds ay nakalaan sa programa at walang masasayang o mananakaw.

Sa Part 1 ng ikatlong episode ng PBBM Podcast na pinamagatang “Sa Likod ng Sona”, ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang hingan ng reaksyon sa sinabi ni Senate President Francis ”Chiz” Escudero na ang National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso ay ‘subject to changes’ ng lehislatura.

”Trabaho naman talaga ng Congress ‘yung gagawin nila ‘yung budget. Ngunit trabaho naman namin na magbigay ng plano at humingi ng pondo sa Kongreso para lahat ng ating mga gustong gawin ay ating magagawa. At hindi nawawala, nawawaldas, nananakaw ang pera ng tao. Iyon lang naman ang habol namin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Binanggit din ng Pangulo ang mga foreign-assisted projects na nakaranas ng problema pagdating sa budget allocation.

”Oo, ‘yung pinakamalaking naging problema ‘yung foreign-assisted projects, tinanggal halos lahat nung funding. Kailangan natin ibalik ‘yun dahil importante ‘yung mga foreign-assisted projects. At saka sinisira pati ‘yan ang reputation natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

”And the worst part of this all, ‘yung napupunta kung minsan ‘yung mga project na hindi maganda, napupunta sa unappropriated. Ano ‘yun, utang ‘yun. Nangungutang tayo para mangurakot itong mga ito,” dagdag na wika ng Pangulo.

“The DBM defines unprogrammed appropriations as those that provide standby authority to incur additional agency obligations for priority programs or projects when revenue collection exceeds targets, and when additional grants or foreign funds are generated, while appropriations with definite/identified funding as of the time the budget is prepared,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, tinanong naman ang Pangulo kung handa ba siya sa “reenacted budget kahit pa na hindi ito ”responsive” sa mga plano ng administrtasyon.

”Well, yes. I am willing to reenact the budget if that’s what we’ll have to do,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

”Since I made it already – I made New Year’s Day the hard deadline, I’m sure we will find a way. I’m sure we will find a way,” aniya pa rin.

Sa kanyang SONA, sinabi ni Pangulong Marcos na “For the 2026 national budget, I will return any proposed Generation Appropriations bill that is not fully aligned with the National Expenditure Program.”

Matatandaang, inaprubahan na ni Pangulong Marcos ang P6.793-trillion National Expenditure Program para sa Fiscal Year 2026.

Ang NEP ay isusumite ng Pangulo sa Kongreso sa loob ng 30 araw matapos ang pagbubukas ng regular session. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here