Home OPINION EXEMPTED SA ONE-STRIKE POLICY NI COMMISSIONER?

EXEMPTED SA ONE-STRIKE POLICY NI COMMISSIONER?

1
0

NASA unang taon na ngayon sa puwesto si Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno at marami ang bumibilib dahil nagagawa pa rin niyang makakolekta nang sobra— higit P11.4 bilyon ‘collection surplus’ sa unang anim na buwan ngayong taon.

Kahit tuloy ang giyera sa Middle East sa pagitan ng Iran, Israel at Estados Unidos kaya matumal ang negosyo sa buong mundo, nalalampasan pa rin ng BOC ang target collection nito.

Kung bakit? Malaki kasi ang takot at respeto ng mga “pasaway” na opisyal at empleyado kay Comm. Nepo.

Sabihin nating, siya kasi ‘yung “ginagawa ang mga sinasabi”. Ilan na ang nawala sa pwesto sa Customs ngayon dahil sinuway ang kanyang utos na ‘no-take-policy?’

At dahil matino ang liderato, asahan na sadyang tataas ang koleksyon ng Customs. Ang pera kasi na para sa “bulsa” ng iilan pumapasok na ngayon sa “kaban” ng bayan.

‘On his second year’, sinabi pa ni Comm. Nepo na ‘no second chance’ o ‘one strike policy’ na ang kanyang kampanya laban sa mga korap sa loob ng ahensya.

Kaya lang, meron pa ring mga “TH” o tamang hinala sa pagbabanta ni Commissioner.

Totohanin daw kaya niya kung ang kinakaladkad na pangalan bilang “pinsan” at “kamag-anak” ay isang tao na sadyang “malapit” sa kanya?

Ilang linggo na kasi ang nagdaan, kumakalat na isang ‘Manila Customs Collector’ ang nagkaroon ng transaksyon na “P10M” umano ang naging “hatagan”. Tama ba, alyas “Monching? Ano kaya ang masasabi dito ni ‘Atty. Lady D?’

Ilang linggo na ang nagdaan, ang sablay na opisyal ay “pakuya-kuyakoy” pa rin umano sa pwesto, sabi ng mga miron.

Dahil daw ba dito kay ‘Boss C’ na nagmamalaking “dikit” kay Comm. Nepo at malapit na “pinsan” umano ni Mr. Port Collector? Kaya ba siya ‘exempted’ sa One-Strike Policy?

“Sinambot” kaya siya ng kanyang “pinsan” kay Customs chief dahil iba nga naman kapag “iisang pisa” ang lahi, korek?

Natural, ayaw nating maniwala na “naanggihan” si Boss C sa “sampung manok” na hatagan. Peksman, ayaw nating maniwala, hehehe!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here