MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Timor-Leste ang ikalawang extradition request ng gobyerno ng Pilipinas laban kay dating congressman Arnolfo Teves Jr., ayon sa Department of Justice
Natangap ng DOJ ang impormasyon na pinaboran muli ng Timor-Leste Court of Appeals ang petition for extradition ng Pilipinas.
Ayon sa DOJ, patunay ito na may merito ang kahilingan nito na maibalik sa bansa ang dating kongresista.
“This is a resounding victory for the Filipino people, a testament of our present government’s unyielding commitment to attain real time justice at all costs,” ayon kay Justice Sec. Boying Remulla.
Nahaharap si Teves sa reklamong murder kaugnay ng pagpatay kay dating gobernador Roel Degamo at iba pa.
Nitong nakaraang Marso nang dakpin si Teves habang naglalaro ng golf sa Timor-Leste. Kasunod nito ang pagdinig sa hiling ng Pilipinas na ibalik siya sa bansa para litisin. TERESA TAVARES