Home ENTERTAINMENT Extreme N. Luzon uulanin sa Amihan

Extreme N. Luzon uulanin sa Amihan

MANILA, Phlippines – Ang northeast monsoon o amihan ay makakaapekto sa extreme Northern Luzon habang ang easterlies ay makakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa, iniulat ng PAGASA.

Ang Caraga, Davao Region, at Southern Leyte ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan

Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon ngunit hindi magkakaroon ng makabuluhang epekto.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat. RNT