Home HOME BANNER STORY F2F classes sa Maynila, sinuspinde ni Yorme sa hagupit ng habagat

F2F classes sa Maynila, sinuspinde ni Yorme sa hagupit ng habagat

1
0
IMG_20260817_141948_140.jpg

MANILA, Philippines — Muling sinuspinde ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ngayong Martes, Agosto 18, 2026, dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng pinalakas na Habagat.

Ayon kay Domagoso, ipinatupad ang suspensyon sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at school personnel.

Batay sa assessment ng MCDRRMD, inaasahang makararanas ang Maynila ng katamtaman hanggang malakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa buong araw, batay sa mga weather model.

Dahil dito, inatasan ang mga paaralan na ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM) sa halip na face-to-face classes.

Ang hakbang ay kasunod ng magkakasunod na pagsususpinde ng in-person classes sa Maynila nitong mga nakaraang araw dahil sa patuloy na epekto ng Habagat.

Samantala, nagpaalala ang Manila Health Department sa mga residente na bukas ang mga health center sa lungsod ngayong Agosto 18, mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Para naman sa mga lumusong sa baha, pinapayuhan silang magtungo sa pinakamalapit na health center upang makakuha ng libreng doxycycline sa leptospirosis lane, alinsunod sa abiso ng Manila Health Department.

Paalala ng lokal na pamahalaan na kung may nararamdamang sintomas, agad na magtungo sa pinakamalapit na LGU hospital para sa pagsusuri at kinakailangang gamutan. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here