Home NATIONWIDE Fake agent timbog ng NBI sa road rage incident

Fake agent timbog ng NBI sa road rage incident

222
0

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of investigation (NBI) ang isang indibidwal na sangkot sa viral road rage incident at nagpanggap na ahente ng ahensya.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Hulyo 28, kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si Jay Ar Cabana, na gumagamit ng alyas na ‘Paul John Jimenez’.

Sa kuha ng CCTV, ipinakita na minamaneho ni Cabana ang kulay itim na sports utility vehicle (SUV) at binuksan ang emergency flashers habang sinusubukang umiwas sa isang rider.

Kasunod noon ay binangga ng SUV ang motorsiklo at rider at tinangkang tumakas.

Sa ilang pagkakataon ay nagpakita ng NBI badge ang suspek at nagpakilalang miyembro ng ahensya at umano’y binantaan ang buhay ng biktima.

Sa beripikasyon ng rekord ng NBI, si Jimenez ay hindi konektado sa NBI o empleyado, job order o consultant.

Si Cabana ay may standing warrant of arrest para sa syndiacted estafa na inisyu ng RTC Branch 55, Lucena, Quezon.

Noong Hulyo 24, isinilbi ng NBI ang warrant sa huli niyang address at natuklasan ang ilang IDs, kabilang ang pekeng NBI ID at pekeng NBI wallet badge na may pangalang Jimenez at kanyang larawan.

Siya ay kinasuhan ng paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (Usurption of Authority), Article 179 ng Revised Penal Code (illegal Use of Insignia) at Anti-alia Law. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here