Home NATIONWIDE Fake news peddlers kasabay ng sigalot sa Senado, binalaan ng CICC

Fake news peddlers kasabay ng sigalot sa Senado, binalaan ng CICC

2
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon tungkol sa mga posibleng rally at pampublikong pagtitipon kasabay ng nagpapatuloy na sigalot sa Senado.

Ayon kay CICC Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, nakapagtala ang kanilang online monitoring ng mga talakayan at aktibidad sa iba’t ibang online platform na nagpapakitang may ilang grupo na umano’y naghahanda ng mga rally at iba pang pagtitipon.

“In light of these developments, the agency encourages Filipinos to be vigilant when consuming and sharing information related to political and religious activities, particularly on social media and messaging platforms,” ani Paraiso.

Kasabay nito, pinaalalahanan niya ang publiko laban sa pagkalat ng misinformation, disinformation, at mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring makapagpalala ng umiiral na tensiyong pampulitika.

“Cyberspace is not only a platform for expressing opinions but also a shared space where every Filipino has a responsibility to ensure that the information you consume and share is accurate and constructive,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng opisyal na dapat gamitin nang responsable ang kalayaan sa pagpapahayag, mapayapang pagtitipon, at pakikilahok sa pulitika maging sa online man o pisikal na pagtitipon.

“The agency further called on organizers, participants, and social media users to refrain from sharing content that encourages violence, promotes unlawful activities, or encourages actions that could threaten public safety and order,” aniya.

Hinimok din ni Paraiso ang mga netizen na pairalin ang responsableng paggamit ng internet upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa gitna ng kasalukuyang mga kaganapang pampulitika.

“We appeal to Filipino netizens to be discerning and responsible online. Let us not add fuel to confusion, division, or conflict by spreading unverified information or inflammatory content. Instead, let us promote respectful dialogue based on facts and digital responsibility,” sabi niya.

Naglabas ng pahayag ang CICC matapos mag-akusahan ang magkaribal na grupo sa Senado kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project at nagpapatuloy na agawan sa liderato ng kapulungan.

Sa kabila ng deklarasyon ng 12 senador na bakante ang lahat ng committee positions, itinuloy pa rin ng kampo ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagdinig sa isyu ng flood control projects. Samantala, inilipat naman sa Hunyo 8 ang opisyal na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa ilalim ng bagong chairman nitong si Senador Erwin Tulfo. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here