Home ENTERTAINMENT Famas, sinabing patay na si Rosa Rosal, nagsori!

Famas, sinabing patay na si Rosa Rosal, nagsori!

329
0

Manila, Philippines – Kaagad na nag-sorry ang pamunuan ng Famas o Film Academy for Movie Arts and Sciences sa inilabas nilang art card patungkol kay Rosa Rosal.

Nitong October 3, Biyernes ay nag-release ang nasabing award-giving body ng art card na nagsasaad na sumakabilang-buhay na si Rosa Rosal.

Si Ginang Rosa ay kilala sa larangan ng public service lalo na sa Kawanggawa.

During her early years in showbiz, siya’y tinaguriang “the original femme fatale” sa Philippine cinema.

Napagtanto ng Famas na fake ang iniulat nito.

Sa katunayan, buhay na buhay si Ginang Rosal na magdiriwang ng kanyang ika-98 kaarawan sa darating na October 16.

Humihingi rin ng paumanhin ang Famas sa mga kaanak at kaibigan ni Gng. Rosal.

Kaagad ding binura ng nasabing institusyon ang ipinost na art card.

Si Gng. Rosal ay may nag-iisang anak, si Tony Rose Gayda na aktibo noon sa pagho-host partikular sa Eat Bulaga.

Moral lesson: check your facts first lalo pa’t maselan ang ulat tungkol sa pagpanaw ng isang tao. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here