Home ENTERTAINMENT Fan na bumo-boses, blinak ni Regine!

Fan na bumo-boses, blinak ni Regine!

Manila, Philippines- May moral lesson na kapupulutan ang isang fan ni Regine Velasquez-Alcasid na binlock niya mismo sa X (dating Twitter).

‘Yun nga ang napala ng isang faney makaraang i-pressure nito nang bonggang-bongga ang Asia’s Songbird.

May kinalaman ito sa pagkaka-delay ng streaming ng kanta ni Regine.

Obyus na naiinip na’t ‘di na makapaghintay ang fan kung kallan ang streaming ng Reginified.

Nalungkot tuloy ang fan makaraang i-block ng kanyang idol na tinawag pa mandin niyang Ate Reg.

Mas malungkot pa nga kung tutuusin dahil kinuyog siya ng mga kumampi kay Regine.

Sey ng mga nakakaunawa sa ginawang pamba-block ni Regine sa fan: “Napaka-toxic niyan!”

“Bakit kasi hindi na lang maghintay? Hindi naman siguro syunga ang team ni Regine!” Sey ng isa pa.

Depensa ng blocked fan: “Hindi ko naman sinasabing syunga ang team niya, nagbigay lang ako ng opinyon! Opinionated akong tao, eh!”

“Huwag na kasing pini-pressure si Regine. Alam niya ang ginagawa niya!” hirit ng isa oang netizen.

“Ikaw na kaya ang mag-manage sa kanya?” panonopla ng isa pang maka-Regine.

Pero sadyang ayaw pa rin magpatinag ang fan.

Resbak nito sa kanyang mga bashers: “Nagbigay lang ako ng opinyon, gusto n’yo na ako na ang maging manager niya?”

Wala naman kasing masama in expressing one’s thoughts and opinions.

Pero paulit-ulit nating sinasabi that it’s not what you say but how you say it that matters.

Natauhan na kaya ang binlock na fan na kung magbigay ng opinyon ay kulang na lang manduhan ang idolo niya?

Excuse pa nito, hindi naman daw niya pine-pressure si Regine kundi ang SM which is doing poorly, hence the streaming delay. Ronnie Carrasco III