Home ENTERTAINMENT Fans, may hanash sa pagkaka-link ni Faith kay Sam!

Fans, may hanash sa pagkaka-link ni Faith kay Sam!

52
0

Manila, Philippines – May running joke tungkol kay Sam Verzosa in terms of his preference for girls.

Ayon na rin sa mga fans, bet pala ng negosyante at dating pulitiko ang mga diwata.

Diwata kasi ang papel ng dating nobya niyang si Rhian Ramos sa Sang’gre—na noong mag-split sila, ay diwata rin ang ipinalit sa katauhan ni Faith da Silva.

Of late, naka-ilang sightings na sa publiko sina Faith at Sam.

Siyempre, nag-one plus one lang ang mga netizens, being sila na nga.

Kunwaring-kunwari pa raw na hindi sila magkasama sa Jessica Sanchez concert by leaving one seat apart, eh, obvious namang they came together.

Si Faith din ang kasama ni Sam sa bago niyang office building.

Magkasama rin silang dumalo sa birthday ng isang showbiz editor recently.

Tuloy, pinapa-guilty ng mga fans si Faith.

Sa dami-dami daw kasi ng puwedeng dyowain, bakit ang ex-BF pa ng kapwa Sang’gre niya?

Eh, ano naman ang sama?

Kaya nga ex, ‘no… ibig sabihin, tapos na! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here