Home NATIONWIDE Farmers groups aapela sa rice import tariff cut

Farmers groups aapela sa rice import tariff cut

MANILA, Philippines- Nakatakdang hamunin ng farm sector groups sa korte ang desisyon ng National  Economic and Development Authority Board kamakailan na tapyasan ang tariff rates sa imported rice.

Sa isang panayam nitong Sabado, sinabi ni Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor na magdedesisyon ang agriculture groups ngayong Linggo kung magkakasa ng legal remedy, tulad ng temporary restraining order (TRO), sakaling mag-isyu si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Executive Order na nag-aatas ng tariff cuts.

Inaprubahan ng NEDA Board ang pagtapyas sa duty rate ng bigas sa 15% para sa in-quota at out-quota rates hanggang 2028.

Inaprubahan din ng board ang pagpapanatili hanggang 2028 sa mas mababang tariff rates sa mais, karne ng baboy, at mechanically deboned meat sa ilalim ng EO No. 50, series of  2023.

“Malaking dagok po sa amin ‘yan,” giit ni Montemayor. “Ang direktang makikinabang dito ay importers… Tariff cuts, do not solve the problem.”

Kasama ng FFF ang Samahang Industriya ng Agrikultura, Agricultural Sector Alliance of the Philippines, sa farm sector groups, na nakatakdang mag-anunsyo ngayong Linggo, Hunyo 9, ng kanilang aksyon laban sa import tariff cuts. RNT/SA