Home NATIONWIDE Fentanyl umuusbong na droga sa bansa – PDEA

Fentanyl umuusbong na droga sa bansa – PDEA

MANILA, Philippines – Ang ‘fentanyl’ na isang malakas na anti-pain medication na ginagamit sa mga cancer patients na nasa end-stage na, ay isang umuusbong na problemang droga sa Pilipinas, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, dahil dito ay patuloy na nilang inaalam ang source ng ‘fentanyl’ sa bansa at nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga foreign counterparts para tulungan sila sa pangangalap ng impormasyon hinggil dito.

Kinumpirma rin ni Lazo na patuloy pa ring ginagamit ang Pilipinas bilang trans-shipment point para sa international illegal drug smuggling at problema umano nila ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa illegal drug trade.

Aniya, ang mga ipinagbabawal na droga galing Myanmar, Laos, at Thailand ay ibinebenta sa Maynila habang ang mga natitirang suplay ay ipinuslit sa Europe, US, Australia, at New Zealand.

Tiniyak naman ng PDEA chief na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matukoy, mahuli at makasuhan ang tiwaling mga pulis. Jan Sinocruz