Home SPORTS Fernandez, bagong sirena ng aquatics  sa BIMP-EAGA 

Fernandez, bagong sirena ng aquatics  sa BIMP-EAGA 

96
0

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada ng Team Philippines-E sa swimming kumpetisyon kahapon sa ikalawang araw ng 2024 Brunei Darusalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asia Growth Area Friendship Games (BIMP-EAGA) na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.

Denomina ni Fernandez ang women’s 100-m backstroke sa oras na 1:07.21 at pinangunahan ang panalo ng Team Philippines E sa women’s 4×50-m medley relay (2:06.68) at women’s 4×50-m freestyle relay (1:55.76). Bukod sa tatlong ginto  sa swimming kahapon, naka-kuha rin ng isang ginto at isang silver noong Lunes si Fernandez para sa kabubuang 4 golds at 1 silver at malakas na kandidato bilang most bemedalled athlete sa isang linggong palakasan.

“It’s a fun experience kasi dito talaga ako nag-umpisa at nag-cocompete. Dito rin po ako natutong lumangoy kasi dito ako lumaki at nag-aaral simula kindergarten at sa edad na kinder natututo akong lumangoy at sumasali sa ibat’ibang international competition,” sabi ng 19-anyos na si Fernandez na ngayo’y second year student ng University of the Philippines.

Patuloy din ang sinimulan ng Philippines Team A matapos umukit sa kanilang tig-ikatlong gintong medalya sina Philip Adrian Sahagun sa men’s 100-m backstroke (1:00.82) at Lisa Margarette Amoguis sa women’s 200-m butterfly (2:34.74). Namayani rin ang Team A sa men’s 4×50-m medley relay (1:43.23).

“Sobrang malaking boost po sa akin na makita ko po ‘yong mga familiar faces. It really brings so much joy and energy. Hindi ko po ini-expect na makuha ang maraming medalya. Hopefully, sa loobin ng Panginoon, magdagan pa ang mga medalya kung ito,” dagdag ni Fernandez na tubong Puerto Princesa City, Palawang at sumasali sa kabuuang anim na events sa swimming.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here