Filipino-Canadian arestado sa ‘bomb joke’ sa NAIA

MANILA, Philippines – Arestado ang isang Filipino-Canadian na lalaki dahil sa umano’y pagbibiro tungkol sa bomba sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong Miyerkules, Abril 10.

Kinialala ang 65-taong-gulang na pasahero na patungong Canada at nahuli bilang bahagi ng pinahusay na mga hakbang sa pag-iwas, paghahanda, at pagtugon ng

Base sa AVSEGROUP, ang pasahero ay isang 65-anyos na patungo sana sa Canada. Nagbiro umano ito habang pinoproseso ang kanyang pag-check-in.

Dagdag pa na habang sinisiyasat ang kanyang gamit sinabi niya na “Granada lang naman laman niyan,” kaya naman nabahala ang airport authorities.

Nagsagawa ng mga kasunod na hakbang sa seguridad, kabilang ang paneling ng mga bagahe ng mga suspek ng AVSECU EOD/K9, na nagkumpirma ng kawalan ng bomba.

Isinailalim ang suspek sa kustodiya ng NAIA Police Station 1  habang inihahanda ang kasong kriminal para sa paglabag sa PD 1727.

Nagpaalala naman si Police Brig. Gen. Christopher Abrahano, PNP AVSEGROUP director, sa publiko na iwasang gumawa ng anumang uri ng biro kaugnay ng bomba at mga pampasabog. RNT


Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *