Home NATIONWIDE First Lady Liza Marcos walang kinalaman sa pagbitiw ni VP Sara bilang...

First Lady Liza Marcos walang kinalaman sa pagbitiw ni VP Sara bilang DepEd chief 

152
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes na nagbitiw siya bilang education secretary dahil sa personal na rason at labas si First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanyang desisyon.

“No,” ani Duterte nang tanungin kung may kinalaman ang first lady sa kanyang resignation.

“Wala din naman kinalaman si First Lady sa trabaho namin ni President Marcos,” patuloy niya.

Inihayag ni Duterte, bumaba sa pwesto sa DepEd noong nakaraang buwan, na ginawa niya ito dahil sa “personal reasons.”

Matatandaang naiulat ang umano’y alitan sa pagitan ni Duterte at ng first lady, kung saan hindi nagustuhan ng huli ang pagdalo ng una sa prayer rally ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinawag nito si Pangulong Marcos na “bangag.” RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here