Home NATIONWIDE Flood control projects sa Maynila ipinasasama ni Isko sa imbestigasyon ng Senado

Flood control projects sa Maynila ipinasasama ni Isko sa imbestigasyon ng Senado

282
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa Senado na isama sa imbestigasyon nito ang flood control projects sa lungsod.

Ito ay kasunod ng pagkalubog ng malaking bahagi ng Maynila sa malalim na baha dahil sa malalakas na pag-ulan nitong Biyernes, Agosto 22.

Ani Moreno sa panayam ng ABSCBN News, umapela siya sa Senado na imbestigahan ang flood control projects sa Maynila partikular sa ikalawa, ikatlo at ikaanim na distrito.

“I’m happy na ang Senado, nakita ko, napanood ko si Senator Ping Lacson at si Senator Marcoleta na si Senator Ping Lacson, nag-privilege speech si Senator Marcoleta nag-iimbestiga,” sinabi ni Moreno sa isang Facebook live.

“Sana maimbestigahan din niya ‘yung mga congressman na involved sa mga ganitong klaseng transaksyon. Bakit ba nakikialam ang congressman sa flood control project o mga pumping station ng DPWH (Department of Public Works and Highways),” dagdag pa ng alkalde.

Itinuro niya ang pagbaha sa mga substandard na flood control projects sa lungsod.

Sa datos, mayroong P14.5 bilyong halaga ng flood control projects sa lungsod ng Maynila.

Kinwestyon ni Moreno ang pagkakaroon ng pinakamalaking alokasyon ng flood control project ngunit apektado pa rin ng pagbaha.

Dahil dito ay umaasa si Moreno na maipapatupad nang maayos ang flood control projects sa kapakinabangan ng mga nasasakupan.

“Ang long-term solusyon diyan ay proper flood control project. I hope someday somehow matuto na ang ating bansa. Yung mga pulitiko, huwag nang nakikialam sa mga flood control project,” dagdag pa.

Aniya, mas gugustuhin pa nitong ipatupad ng Metro Manila Development Authority ang operasyon at pangangasiwa sa flood control projects, kahit pa ang mga proyekto mula sa DPWH.

Handa naman umano na makipagtulungan sa imbestigasyon ng flood control projects sa lungsod ang mga representative ng tatlong distritong nabanggit ni Moreno.

Ipinunto ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano na ang mga lugar na nakaranas ng pagbaha noong Biyernes ay nasa labas ng kanyang distrito.

“Ang binaha mismong harap ng City Hall, yung lugar niya mismo. Taft, Adriatico, that is district five. Pero okay lang yun. Welcome ang investigation sa akin, wala naman tayong tinatago. Pero ganito pag inimbestigahan natin flood control, imbestigahan natin lahat including the garbage collection.”

“Sa akin sige let’s investigate everybody, not only district two, three and six. Lahatin na natin including the local government when it comes to flood control,” dagdag ni Valeriano.

Umapela ang mambabatas kay Moreno na isantabi ang politika sa naturang isyu.

“Hindi naman to pulitika ang isyu na ito. Yung flood control is very serious accusation and very serious matter na sineseryoso dapat ang halal ng bayan. Gagamitin mo pa ang Senado para lang sa paghihiganti mo.”

Ganito rin ang naging tugon ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua at sinabing: “No problem with me. Maganda po yan para malaman na din natin kung ito nga po ang tamang solusyon sa baha. Pero dapat tingnan din natin yung iba pang contributory factor like basura.”

“Baha buong Manila eh. Why being selective? Sa akin wala naman ako problema kasi hindi ako nakikialam sa National Government Projects. That is not the job of Congress,” dagdag ni Chua.

Nanawagan naman si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante ng solusyon at hindi soundbites sa naturang isyu.

“We welcome calls for an honest to goodness review of flood control projects in Manila. But if we genuinely want to understand the roots of the problem, then we must be serious about finding solutions—not scoring political points,” saad sa pahayag ni Abante.

“That is why I call for a thorough investigation of all flood control projects in Manila—and not just from the last term, but all the way back to 2019 or even further. Let’s look not just at the projects funded by the national government, but at the projects pursued by the local government.”

“Seryoso ba si Mayor na solusyunan ang problemang ito? Mahalaga ba talaga sa kanya ang kapakanan ng ating mga kababayan sa Maynila? If we are serious about the flooding problem, let’s be serious about understanding and solving it. The people of Manila deserve solutions, not soundbites,” giit ni Abante.

Nagsimula na ang Senado sa imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa flood control projects noong Martes.

Magbubukas din ng imbestigasyon ang House of Representatives “Infra Committee” sa kaparehong isyu sa mga susunod na linggo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here