Home IN PHOTOS Floodgate sa Roxas Boulevard binuksan na ng MMDA, Manila LGU

Floodgate sa Roxas Boulevard binuksan na ng MMDA, Manila LGU

328
0
Binuksan na ng MMDA at ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang floodgate na nakalagay sa bahagi ng Roxas Blvd. malapit sa Manila Yacht Club. CRISMON HERAMIS

MANILA, Philippines – UPANG maibsan ang pagbaha sa ilang lugar sa lungsod ng Maynila ngayong panahon ng tag-ulan, pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes ang pagbubukas ng floodgate at paglalagay ng trash traps sa Manila Yacht Club, Miyerkules ng umaga, Hulyo 16.

Ayon kay Domagoso, kabilang sa mga kalyeng makikinabang sa pagbubukas ng floodgate ay ang Pablo Ocampo St., Taft Avenue, Quirino Avenue, at Roxas Blvd na malimit bahain kapag umapaw na ang tubig mula sa Estero de Abad.

Kasabay ng pagbubukas ng naturang floodgate ay ang paglalagay ng “trash trap” sa mga lagusan ng tubig ng Manila Yacht Club upang hindi mapunta sa Manila Bay ang mga aanuring basura na kaagad sinasalok ng kanilang mga tauhan.

Ayon kay Artes, may dalawa pang floodgate ang maaari nilang buksan, isa na rito ay matatagpuan sa Remedios, sa oras na tumaas ang baha sa Maynila, lalu na kung may bagyo o sunod-sunod na malalakas na buhos ng ulan.

“So long as hindi naman tumaas ng more than gutter deep at passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga lansangan, siguro, hindi na namin muna bubuksan,” ani Artes.

Giit pa ni Artes, isa pa sa nakikita nilang solusyon ay ang pagdaragdag ng Sewerage Treatment Plant (STP) dahil kulang aniya ang kapasidad ng kasalukuyang STP upang mailabas ng mabilis ang tubig at para na rin makatupad sa inilabas na mandamus ng Korte Suprema ng sa gayon ay hindi na bumaha sa Maynila.

Gayunman, aminado si Artes at maging si Mayor Isko Moreno na kailangan ang malaking budget para rito na magmumula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon naman kay Yorme, sa ngayon ay inaasahan pa rin nila na mayroon pa ring pagbaha lalu na’t hindi pa naman nila alam agad-agad ang epekto nito.

Muli naming nanawagan si Yorme sa publiko partikular na sa mga Manilenyo na maging responsable sa pagtatapon ng basura lalu na’t ito ang pangunahing dahilan ng pagbaha sa maraming lugar. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here