Home NATIONWIDE Flores de Mayo bubuhayin sa Maynila; kalahok na 35 designers bibigyan ng...

Flores de Mayo bubuhayin sa Maynila; kalahok na 35 designers bibigyan ng tig-P50K ni Yorme

123
0

MANILA, Philippines – Makatatanggap ng tig-P50,000 ang nasa 35 designer na kalahok sa pagbuhay ng fashion at cultural industry sa lungsod ng Maynila.

Ito ang magandang anunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa ginanap na press conference ng “Flores de Mayo” na may temang “Dalisay at Halimuyak” na isasagawa sa Mayo 3 ng alas 3 ng hapon.

Magsisimula ang prusisyon o Sagala sa facade ng Manila Hotel -Quirino Grandstand-Roxas Boulevard at pabalik sa Manila Hotel.

Nagpahayag naman ng suporta si Mayor Isko sa inisyatiba ng pribadong sektor na isang pagkakataon ng pagbibigay ng maraming inspirasyon sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kalahok na mga designer ng kanilang galing at skills sa larangan ng fashion.

Sinabi nina Catholic Mora Capistrano ang Presidente ng Fashion Designer of the Philippines at Director Raymond Villanueva, ang kanilang proyekto ay layon na makapagbigay ng malasakit sa komunidad dahil hindi lamang ito basta Flores de Mayo dahil ang ‘proceeds’ nito ay mapupunta sa pamamagitan ng kanilang beficiaries kabilang ang dalawang foundation.

Dagdag pa ni Villanueva, hindi lamang ang Fashion Industry ang kanilang ipino-promote kundi maging ang Cultural at Tourism Industry.

Sinabi naman ni Mayor Isko na malaki ang maitutulong ng kaganapang ito sa turismo sa Maynila dahil sa magandang atraksyon o ‘natural attraction’ na masasaksihan ng mga turista at mga dadalo sa lungsod.

Sa nasabing aktibidad, magsisilbing Hermana Mayor si Mayor Domagoso at Hermana Mayora naman ang kanyang asawa na si Mrs. Dynee Domagoso.

Ang Flores de Mayo o buwan ng bulaklak ay isang buwang Filipino-Catholic Festival sa Pilipinas na ginaganap tuwing Mayo bilang parangal sa Mahal na Birhen Maria na tampok ang araw-araw na pag-aalay ng bulaklak at nagtatapos sa Santacruzan na isang makulay na relihiyon historikal na prusisyon na nagdiriwang sa paghahanap ni reyna Elena ng banal na Krus. Isa itong masiglang pagsasama ng debosyon at tradisyon. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here