Home NATIONWIDE Food security measures, pinalalakas ng DA dahil sa mahal na langis, banta...

Food security measures, pinalalakas ng DA dahil sa mahal na langis, banta ng El Niño

136
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) noong Biyernes na pinalalakas nito ang mga hakbang para matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng fuel dahil sa krisis sa Middle East at banta ng El Niño.

Ayon kay DA Undersecretary Asis Perez sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, naghahanda ang ahensya para sa “worst case scenario” upang maprotektahan ang mga producer at consumer ng pagkain.

“The good thing about this is that we know what’s likely to happen and we’re able to set up a scenario of what’s going to happen and how to address them. The government is very proactive,” aniya.

“Nobody is prepared for this. We’re making great strides so that we can immediately respond, and we have responded. But again, kulang pa iyan susubukan pa nating dagdagan at mas pabilisan,” dagdag niya.

Kabilang sa pangunahing hamon ang pagtaas ng gastos sa fuel at pataba (fertilizer) na nakaaapekto sa produksyon ng agrikultura.

“We’re expecting that because of this increase in production cost, ‘yung iba rito baka magbawas ng fertilizer kasi nagtitipid… With the El Niño, kailangan mo ngayong gumamit ng pump. Again, that will require fuel,” paliwanag ni Perez.

Para mabawasan ang epekto, naglabas na ang DA ng fuel subsidies para sa rehistradong magsasaka at mangingisda, gayundin ang ₱10 bilyong tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fishers (PAFF) para sa 4.175 milyong benepisyaryo na may halagang ₱2,325 bawat isa.

Ginamit din ng DA ang kalahati ng ₱1 bilyong quick response fund para sa pagbili ng biofertilizer at iba pang pangangailangan.

“We are able to anticipate the challenge, and this early, we are banking on solutions. Ngayon pa lang may ginagawa na tayo,” ani Perez.

Pinag-aaralan din ng ahensya ang pagbili ng mas murang liquid fertilizer kapalit ng urea upang mabawasan ang gastos ng mga magsasaka.

Ayon sa Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), nasa ₱1,832.50 hanggang ₱2,592.50 ang presyo ng urea per 50-kg bag mula Marso 30 hanggang Abril 3.

Para naman sa urea-granular, nasa ₱2,226.67 ang presyo habang ang complete fertilizer (14-14-14) ay nasa ₱1,780.59.

Sinabi rin ng DA na tutulong ito sa mga manggagawa sa agrikultura upang hindi sila lubhang maapektuhan ng pagtaas ng gastos sa produksyon.

“Kapag in distress ‘yung mga workers, pwedeng suportahan, but we want to do it in such a way that it’s production-related,” ani Perez.

Dagdag niya, pinag-aaralan din na gamitin ang pondo para sa sahod ng farm workers upang mapanatili ang produksyon ng pagkain.

Nakikipag-ugnayan din ang DA sa Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development para sa proteksyon ng mga manggagawa sa agrikultura. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here