Home NATIONWIDE Foreign divorce ‘di kikilalanin sa Pilipinas – DOJ exec

Foreign divorce ‘di kikilalanin sa Pilipinas – DOJ exec

1
0

MANILA, Philippines – Mananatiling kasal sa ilalim ng batas ng Pilipinas ang mga Pilipino kahit pa kumuha sila ng diborsyo sa ibang bansa.

Ayon kay Justice Undersecretary Ian Norman Dato, “hindi kailanman kikilalanin sa Pilipinas” ang diborsyo ng Pilipinong nananatiling mamamayan dahil ito ay “laban sa batas, laban sa public policy, at laban sa kaugalian.”

Sa Pilipinas, annulment o legal separation lang ang maaaring magbasag ng kasal, ayon sa 1987 Constitution na nagsasabing ang pamilyang Pilipino ang “saligan ng bansa” at ang “kasal ay isang hindi malalabag na institusyon.”

Sa kustodiya ng anak, ang ina ang itinuturing na primary caregiver ng mga batang pitong taong gulang pababa, pero ang korte pa rin ang magpapasya base sa kapakanan ng bata.

Dagdag ni Dato, pinalawak na ng DOJ ang bilang ng mga abogado sa Public Attorney’s Office para tumulong sa mga walang kakayahang kumuha ng sariling abogado sa mga family case.

Sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas, ang kasal ay mababasag lamang sa pamamagitan ng legal separation o annulment.

Ang Annulment ang paraan para sa mga nagnanais na tuluyan, malinis, at kinikilala sa ilalim ng batas ng Pilipinas na basagin ang kanilang kasal, sabi ni Dato.

Para naman sa kustodiya, ang mga ina ay awtomatikong binibigyan ng karapatang mag-alaga sa mga batang pitong taong gulang pababa.

Sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas, ang mga ina ang itinuturing na primary caregiver ng mga batang ito. Pero hindi ito ganap.

Sinabi ni Dato na maaaring ibigay ang kustodiya sa ama o sa tagapag-alaga kung ituturing ng korte na hindi karapat-dapat ang ina na mag-alaga sa bata.

Sinabi niya na inuuna ng mga batas ng Pilipinas ang kapakanan at kabutihan ng bata.

Kaya, kung sinuman ang mas may kakayahang magbigay sa mga bata ng pag-aaruga atensyong kailangan nila ay siya ang maaaring bigyan ng kustodiya.

Sa mga kasong nagkasundo na ang mga magulang sa karapatan sa kustodiya, sinabi ni Dato na kailangang repasuhin ng government prosecutor ang mga dokumento at dumalo sa mga pagdinig sa korte para sa pagresolba ng kaso para matiyak na lahat ay naaayon sa batas at ang kapakanan ng bata o mga bata ay napoprotektahan at nagagarantiyahan.

Sinabi ni Dato na ang mga government prosecutor mula sa pambansa hanggang sa lokal na antas ay sinanay na humawak ng mga domestic at family dispute—idagdag pa na ang estado ay “labis na sangkot sa buhay pampamilya,” ayon sa hinihingi ng Constitution. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here