MANILA, Philippines – Itinuro ni Vice President Sara Duterte ang China at si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagpondo sa konstruksyon ng Bucana Bridge sa Davao City.
“Bucana Bridge is kaparte ng buong coastal road ng Davao City. So, yung coastal road, hindi siya makakatawid ng Bankerohan River kung wala yung Bucana Bridge… It was made known at that time to former President Duterte that the bridge is unfunded, at siya ay naghanap ng paraan para mabigyan ng pondo yung bridge,” sinabi ni VP Sara sa isang panayam.
“So, noong nakahanap siya ng pondo, ay sinimulan yung negotiations, sinimulan yung mga planning, lahat ng paperwork para doon sa bridge na yun ay sinimulan na,” dagdag pa niya.
“Walang gastos ang City Government of Davao, walang gastos ang Pilipinas para tayo magkaroon ng bridge na iyon, at napakahalaga ng bridge na iyon dahil hindi mag-connect ang south to north kung wala yung bridge,” pagpapatuloy nito.
Samantala, hindi naman nagkomento ang Bise Presidente sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Bucana Bridge ay isa sa apat na “legacy projects” ng administrasyon nito sa Davao.
Ang Bucana Bridge ay 1.3-kilometer project na itinayo sa pagitan ng Barangays 76-A Bucana at Matina Aplaya sa Davao River.
Nakatakda itong buksan sa Disyembre 15 at inaasahang magpapagaan sa daloy ng trapiko sa downtown Davao City.
Noong Huwebes ay ininspeksyon ni Marcos ang naturang tulay. RNT/JGC