Home NATIONWIDE Free College Entrance Examinations Act, pinuri ni Bong Go

Free College Entrance Examinations Act, pinuri ni Bong Go

MANILA, Philippines – Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsasabatas ng “Free College Entrance Examinations Act” na naglilibre sa mga kuwalipikadong mag-aaral sa entrance exam sa mga private higher educational institutions (HEIs).

Ang Republic Act No. 12006, na pangunahing isinulong ni dating Senate committee on higher education chair at ngayo’y Senate President Chiz Escudero, ay nagbukas ng magagandang pagkakataon para sa mas mataas na edukasyon sa mga economically disadvantaged ngunit high-performing students sa buong bansa.

Isa rin sa may-akda at co-sponsor ng panukala, si Go ay vocal proponent ng pag-aalis ng financial barriers sa edukasyon.

Target ng batas ang mga natural-born Filipino students na kabilang sa top 10 percent ng kanilang graduating high school class at mula sa mga pamilyang mababa sa poverty threshold na tinutukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“Ang edukasyon ang pinakamalaking equalizer. Sa batas na ito, tinitiyak natin na ang mga limitasyon sa pananalapi ay hindi na makahahadlang sa paghahangad ng ating kabataan sa akademikong kahusayan,” ani Go.

Sa ilalim ng bagong batas, binibigyang kapangyarihan ang Commission on Higher Education (CHED) na pangasiwaan ang pagpapatupad at titiyak na lahat ng pribadong HEI ay susunod sa batas.

Ang mga institusyong hindi susunod sa batas ay mahaharap sa mga parusa, para mapangalagaan ang karapatan ng mga kwalipikadong mag-aaral na magkaroon ng free access sa college entrance tests.

“This victory is not ours but of every Filipino family who dreams of a better future through education. It’s a testament to what we can achieve when we put the needs of our people first,” sabi ni Go.

Sinabi ng mambabatas na dapat patuloy na suportahan ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga bagay na kailangan nila upang magtagumpay sa kanilang paglalakbay sa edukasyon.

Binanggit niya na noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang RA 10931, na kilala bilang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ay isinabatas.

Malaki aniya ang naitulong nito sa mga mahihirap na estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga lokal na kolehiyo, unibersidad, at state-operated technical vocational institutions.

Batay sa mga nagawa ng RA 10931, iniakda at inisponsoran ni Go ang Senate Bill No. 1360, na naglalayong palawakin ang saklaw Tertiary Education Subsidy.

“Hindi ko po sasayangin yung pagkakataong ibinigay nyo po sa akin. Magtatrabaho po ako para sa Pilipino. At iyan po ang pwede kong i-alay sa inyo, ang aking bisyo sa pagseserbisyo,” anang senador. RNT