Home Uncategorized GAB-licensed athletes may 10% diskuwento

GAB-licensed athletes may 10% diskuwento

NAGSIMULA nang makatanggap ng 10 porsiyentong discount ang mga lisensiyadong professional athletes ng Games and Amusements Board (GAB) partikular sa mga produkto ng Chooks-to-Go, Uling Roasters at Chooks dine-in.

“Simula Mayo 15, 2024 makakatanggap ng 10% discount sa lahat ng Chooks-to-Go, Uling Roasters at Chooks! dine-in restaurant branches nationwide ang lahat ng Games and Amusements Board-licensed athletes,” ayon sa pahayag ng GAB na pinamumunuan ng chairman na si Atty. Richard S. Clarin.

“Ipresenta lang ang inyong valid GAB license identity cards upon ordering. Hatid sa inyo ng Chooks-to-Go, Uling Roasters, at Chooks!, the official dine-in restaurant of Chooks-to-Go. Terms and conditions apply.”

Ito ay bahagi pa rin ng mga inisyatiba ni Clarin para sa mga professional athletes ng bansa sa kanyang 3XPRO advocacy na “promote, professionalize, protect” ang Philippine sports.