Manila, Philippines- Pinagkaguluhan si Gabby Concepcion nang dumalaw sa ikalawang gabi ng lamay ni Lolit Solis sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Batasan, Commonwealth sa Quezon City.
Si Gabby ay dating alaga ni Lolit pero nagkasira sila pagkatapos ng Manila Film Festival scam noong June 2024.
Nakita ni Gabby doon ang iba pang artistang nasa kuwadra ng dating manager tulad ni Bong Revilla.
Kahit paano’y may pinagsamahan din naman sina Lolit at Gabby.
Maging si Bong ay nakuha ring dalawin ni Gabby noong nakakulong ang una sa Camp Crame.
In fairness, kahit nagsanga ang kanilang landas, ni minsan ay hindi nagsalita ng ‘di maganda si Gabby laban kay Lolit.
“Tumakas” lang saglit si Gabby sa taping ng gabing ‘yon pero babalik din sa set, ayon sa manager nitong si Popoy Caritativo.
Nahingan ng reaksyon si Bong sa pagdalaw ni Gabby sa dating manager.
Ani Bong, tiyak daw na masaya si Lolit.
Bukod kay Gabby, habang sinusulat ito’y inaasahang dadalaw din ang nakaalitang alaga ni Lolit na si Rosanna Roces.
Dating hosts ng Startalk sina Rosanna at Lolit.
Naunang nagkaayos sina Lorna Tolentino at Rosanna nang magsama sa isang teleserye sa ABS-CBN. Ronnie Carrasco III