Home HOME BANNER STORY Galaw ni Zaldy Co sa Europa, unti-unti nang nabubuo ng mga awtoridad...

Galaw ni Zaldy Co sa Europa, unti-unti nang nabubuo ng mga awtoridad – DOJ

96
0

PRAGUE, Czech Republic – Sinabi ni Department of Justice (DOJ) acting Secretary  Fredderick Vida na unti-unti nang nabubuo ng mga awtoridad ang galaw ni dating kongresistang si Elizaldy Co sa Europa matapos ang paunang koordinasyon sa mga opisyal ng Czech Republic.

Ayon kay Vida, nakakuha ang delegasyon ng Department of Justice (DOJ) ng “workable intel” na tumutulong para maunawaan kung paano lumabas ang mga ulat na nakita at nakasalamuha si Co ng mga awtoridad.

“We’ve gained some workable intel kung paano nangyari [on how it transpired]… so we will build on that,” ani Vida sa mga mamamahayag sa Prague noong Abril 26.

Dagdag niya, mas malinaw na ngayon ang mga detalye at datos tungkol sa presensya ni Co sa rehiyon.

“Medyo mas maliwanag na mga detalye at datos kung paano nangyari,” aniya.

Umaasa naman si Vida na malalaman na ang eksaktong kinalalagyan ni Co.

Kasama rin sa kahilingan ni Vida sa Czech na makita ng personal ang dating mambabatas na may kinakaharap na kaso kaugnay sa maanomalyang flood control projects  sa Oriental Mindoro.

“Marami po tayong mga bagay na lilinawin at iba-validate yung mga impormasyon,” ani Vida.

Samantala, nakarating na sa Prague, Czech Republic ang team ng Philippine Center Transnational Crime na kasamang makikipag-usap sa nasabing bansa.

Bitbit nito ang iba pang dokumento na makakatulong sa pagpapabilis ng hiling ng Pilipinas na red notice sa interpol na hiniling pa ng bansa  noong Nobyembre

Si Vida at kanyang team ay inatasan ng gobyerno na magtungo sa Czech Republic upang iberipika ang lahat ng impormasyon na nakukuha ng Pilipinas mula sa immigration at police authorities sa Czech Republic.

Layunin ng DOJ na mabuo ang kabuuang pangyayari sa paggalaw ni Co at matukoy ang susunod na hakbang ayon sa umiiral na legal na proseso.

“Basically we’re studying everything,” dagdag niya.

Tumanggi si Vida na magbigay ng mas detalyadong impormasyon habang patuloy ang beripikasyon at koordinasyon, ngunit tiniyak niyang hindi sila uuwi nang “empty-handed.”

Magpapatuloy ang beripikasyon ng impormasyon sa mga susunod na araw habang nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan sa Czech officials. RNT/MND/Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here