Home OPINION GALIT NA MGA PULIS SA BAHAY NA SALAMIN

GALIT NA MGA PULIS SA BAHAY NA SALAMIN

345
0

TUWING may Halloween party na may civilian na nagsusuot ng police uniform, halos automatic na headline na sa news: “PNP warns civilian for disrespecting the uniform.” Pero come on — kailangan ba talagang iparada sa media at takutin ng kulungan ang isang partygoer na nagsuot lang ng punit na police shirt? Yes, the uniform deserves respect, and the law protects it. Pero minsan, masyado namang OA ang reaksyon.

Kung tutuusin, mas nakakatawang panoorin yung mga opisyal na nagmamagaling sa TV kaysa sa taong nag-costume lang. Kasi habang busy silang mag-ingay tungkol sa “paglapastangan sa uniporme,” marami namang totoong pulis ang araw-araw na binababoy mismo ang uniporme nila — mga nangongotong, mga nasasangkot sa droga, o yung simpleng tulog sa checkpoint habang may krimen sa kanto.

Let’s be real: bilang na bilang lang ang civilians na nagsuot ng police uniform sa Halloween. Pero kung bibilangin natin ang mga pulis na nakasira sa dangal ng institusyon, baka hindi kasya sa ulo mo ang bilang. Kaya kapag nagagalit ang mga “Chief of Chiefs” ng PNP dahil lang sa costume, mas lalo lang nilang pinapakita kung gaano sila kababaw at ka-fragile.

PNP Chief Nartatez, kung gusto ninyong respetuhin ang uniporme, siguraduhin muna ninyong may respeto ang mga nagsusuot nito. You can’t preach moral authority from inside a glass house — lalo na kung may bitak na sa dingding ng tiwala ng publiko.

STL at jueteng

Kung talagang gustong magtrabaho ng mga pulis, ayan o — sa Muntinlupa pa lang, may jackpot na dapat nilang habulin. Ang tawag, STL o small town lottery. Ligal daw. Pero kung aamuyin mo, ibang klaseng “sugal” ang lumalabas — jueteng-style na naman.

Sinasabing ginagamit ng mga “bookies” ang official STL draw results para sa sarili nilang pustahan. Parang photocopy ng ligal na sugal, pero diretso sa bulsa ng mga gambling lord, hindi sa gobyerno. Kaya pala kahit legal, halos walang pumapasok na kita.

Mayor Ruffy Biazon, baka gusto mong tanungin si Col. Roberto Domingo kung bakit nagkakaganito sa ilalim ng ilong nila. Kung hindi niya alam, that’s incompetence. Kung alam niya pero hinahayaan lang — mas masama ‘yon. Kung talagang gusto niyang linisin ang lungsod, dapat maglabas siya ng bola at sumama sa raid. Sigurado, marami silang mahuhuli.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here