Home METRO Galugad piitan, drug test sa mga jail personnel, PDL isinagawa sa Pampanga

Galugad piitan, drug test sa mga jail personnel, PDL isinagawa sa Pampanga

1
0

PAMPANGA, Philippines – Upang makatiyak na walang nakakapasok na anumang uri ng iligal na droga at kontrabando sa mga piitan.

Magkasanib pwersang ginalugad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang San Fernando District Jail at Guagua District Jail, Male and Female dormitories sa Pampanga.

Kaalinsabay ang pagsasailalim sa Surprise Random Drug Test sa mga  Person Deprived of Liberty (PDL) at mga Jail personnel sa mga nasabing piitan.

Ang naturang hakbang ay alinsunod sa programa ng BJMP na Operation Greyhound na layong matiyak na walang nakakapasok na iligal na droga at anumang uri ng kontrabando sa mga piitan.

Katuwang ang K9 Sniffing Dog, ginalugad ng mga awtoridad ang male at female dormitories ng mga nabanggit na pasilidad.

Sa operasyon nag-negatibo sa presensiya ng iligal na droga at mga kontrabando ang mga piitan.

Habang sa drug test, nag-negatibo din sa ipinagbabawal na gamot ang mga PDL at Jail personnel sa naturang mga jail facilities. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here