Home HOME BANNER STORY ‘Gang 4 bagyo posibleng pumasok sa PAR sa Agosto — PAGASA

‘Gang 4 bagyo posibleng pumasok sa PAR sa Agosto — PAGASA

1
0

MANILA, Philippines — Dalawa hanggang apat na tropical cyclone ang posibleng mabuo sa loob o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Agosto, ayon sa state weather bureau na PAGASA.

Batay sa Climate Outlook nito para sa Agosto 2026 hanggang Enero 2027, dalawa hanggang tatlong tropical cyclone ang inaasahan sa Setyembre; isa hanggang dalawa kada buwan sa Oktubre, Nobyembre, at Disyembre; at wala hanggang isa sa Enero 2027.

Sinabi ng PAGASA na posibleng mabuo ang isang napakalakas na El Niño mula Oktubre 2026 hanggang Enero 2027, na maaaring magpababa sa bilang ng mga bagyo. Gayunman, maaari pa ring lumakas ang ilang mabubuong sama ng panahon bilang typhoon o super typhoon.

Near-normal na pag-ulan ang inaasahan sa malaking bahagi ng bansa sa Agosto, habang posibleng makaranas ng above-normal rainfall ang ilang bahagi ng kanlurang Luzon. Maaari namang magpatuloy ang below-normal rainfall sa ilang lugar sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa Setyembre, below-normal rainfall ang inaasahan sa malaking bahagi ng Luzon, habang maaaring magkaroon ng above-normal rainfall sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao. Near-normal rainfall naman ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa.

Below-normal rainfall ang posibleng maranasan sa Luzon sa Oktubre, habang near-normal rainfall naman sa ibang bahagi ng bansa. Pagsapit ng Nobyembre, way below-normal hanggang below-normal rainfall ang inaasahan sa buong bansa.

Sa Disyembre, maaaring magkaroon ng above-normal rainfall sa malaking bahagi ng Luzon, habang below-normal rainfall naman sa karamihan ng Visayas at Mindanao. Sa Enero 2027, way below-normal hanggang below-normal rainfall ang inaasahan sa buong bansa.

Pagsapit ng katapusan ng Agosto, posibleng makaranas ng dry spell ang Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Agusan del Norte, Basilan, Dinagat Islands, Misamis Occidental, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Posible namang makaranas ng drought ang Camarines Norte, Catanduanes, Biliran, Cebu, Negros Oriental, Northern Samar, Samar o Western Samar, at Siquijor.

Ayon sa PAGASA, nagkakaroon ng dry spell kapag nakaranas ang isang lugar ng below-normal rainfall sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan, o below-normal rainfall sa loob ng dalawang magkakasunod na buwan.

Itinuturing namang drought kapag nakapagtala ang isang lugar ng below-normal rainfall sa loob ng limang magkakasunod na buwan, o way below-normal rainfall sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.

Nauna nang nagbabala ang Department of Agriculture na maaaring magpababa sa ani at matinding makaapekto sa mga magsasaka ang posibleng El Niño. Kabilang sa mga lugar na pinakaapektado ng matagal na tagtuyot ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Western Mindoro, at Central Mindanao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here