Home HOME BANNER STORY Gang P9/L tapyas-presyo sa diesel, kerosene, posible ngayong linggo

Gang P9/L tapyas-presyo sa diesel, kerosene, posible ngayong linggo

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaroon ng malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo, ayon kay Energy Secretary Sharon Garin.

Ayon kay Garin, maaaring bumaba ng hindi bababa sa P9 kada litro ang presyo ng diesel at kerosene, habang posibleng bumaba naman ng hindi bababa sa P4 kada litro ang presyo ng gasolina.

Sinabi ng kalihim na patuloy pang nakikipagpulong ang pamahalaan sa mga kompanya ng langis upang pinal na matukoy ang eksaktong halaga ng rollback.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na inaasahang bababa ang presyo ng langis matapos ipahayag ang paglagda sa paunang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Gayunman, muling isinara ng Iran ang Strait of Hormuz noong Linggo matapos nitong sabihin na nilabag ng Israel ang kasunduan sa Estados Unidos nang magsagawa ito ng pag-atake sa Lebanon.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ang malaking pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ngayong linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here