Home ENTERTAINMENT Gardo, sinabing si Vico ang huling baraha ng Pinas!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gardo, sinabing si Vico ang huling baraha ng Pinas!August 21, 2025 16:102720 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Take it from Gardo Versoza, he knows how to tell a straight-laced public servant from a corrupt one.Viral kasi ang post ni Cupcake kung saan todo-puri siya sa paglilingkod ni Vico Sotto bilang mayor ng Pasig City.Ayon sa aktor, hindi lang daw puro porma ang anak nina Bossing Vic Sotto at Coney Reyes.Mas inuuna kasi nito ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.Dahil dito’y sinuklian din siya ng mga papuri mula sa mga netizens.Anila, ang mga tulad daw ni Gardo na mulat ang isip sa mga kaganapan sa bayan ang kailangan para magningas ang ating sense of patriotism.Sey pa ng ilan, magkakaroon lang daw ng saysay ang paniniwalang ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan kung masasawata ang korapsyon.Sinagot naman ni Gardo ang mga komento patungkol sa kanya.Ayon sa aktor, si Mayor Vico raw ang huling baraha ng bansa para wakasan na ang pangungurakot ng maraming pulitiko.Dasal ni Gardo na sana’y bago mahuli ang lahat ay tumakbo bilang Pangulo si Vico.Kung maaari nga raw ay sa 2028 na.Gardo may have missed out on Vico’s declaration na pahinga muna siya sa 2028.Nilinaw din ni Bossing Vic na by 2028 ay hindi pa pasok ang anak sa age requirement to qualify him for the post.Entonces, magkakatoon lang ng katuparan ang wish ng lahat sa taong 2034! Ronnie Carrasco III