Home NATIONWIDE Gatchalian: Bicam Report sa Basic Education Voucher Bill lusot ng Senado

Gatchalian: Bicam Report sa Basic Education Voucher Bill lusot ng Senado

1
0

MANILA, Philippines – Niratipikahan ng Senado ang bicameral conference committee report ng Basic Education Voucher Assistance Act, na magpapalawak sa voucher program upang masaklaw ang mga kwalipikadong mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 12.

Sa ilalim ng pinag-isang bersyon ng Senate Bill No. 1981 at House Bill No. 4744, maaaring makatanggap ng financial assistance ang mga mag-aaral mula sa middle-middle-income households pababa upang makapag-aral sa mga kwalipikadong pribadong paaralan.

Ayon kay Senate President Win Gatchalian, layunin ng pagpapalawak ng voucher system na makatulong na mabawasan ang classroom shortage at pagsisiksikan sa mga pampublikong paaralan.

“Sa pagpapalawak ng voucher system, matutugunan natin ang kakulangan sa mga silid-aralan at siksikan sa mga pampublikong paaralan, habang tinitiyak ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian.

Ang Department of Education (DepEd) ang magtatakda ng halaga ng voucher batay sa commissioned research at rerepasuhin ito nang hindi bababa sa kada tatlong taon upang maisaalang-alang ang inflation.

Mas mataas na halaga naman ng voucher ang ilalaan para sa mga mag-aaral mula sa poor at low-income households upang mas malaking suporta ang mapunta sa mga higit na nangangailangan.

Nauna nang inaprubahan ng bicameral conference committee noong Hunyo ang reconciled version ng dalawang panukala. Kapag nakumpleto ang legislative process, ihaharap ang panukala sa Pangulo para sa kanyang aksyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here