Home NATIONWIDE Gatchalian nanawagan sa mga LGU, malnutrisyon sa mga bata labanan!

Gatchalian nanawagan sa mga LGU, malnutrisyon sa mga bata labanan!

257
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules, Hulyo 16 sa local government units (LGUs) na palakasin ang hakbang nito para labanan ang child malnutrition sa pagsisiguro na mapalakas ang nutrition-related services sa mga paaralan at komunidad.

Ani Gatchalian, ang epektibong implementasyon ng Republic Act 12199, o Early Childhood Care and Development System Act, ay mahalaga para ihatid ng mga LGU ang mga programa at serbisyo sa kalusugan, nutrisyon at early education ng mga bata.

“In celebration of Nutrition Month, I urge local government units to ramp up feeding programs in schools and communities, improve access to nutrition services, and invest in long-term strategies such as livelihood support for families,” sinabi pa sa pahayag.

Iginiit din ni Gatchalian ang kaugnayan ng tamang nutrisyon at epekto nito sa edukasyon dahil ang mga batang nakararanas ng malnutrisyon ay karaniwang nahihirapan sa pag-aaral at nakakaranas ng developmental delays.

“Ang laban para sa edukasyon ay sabay na laban kontra malnutrisyon,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here