Home NATIONWIDE Gate ng Ambuklao, Binga dam bukas pa rin sa pagpapakawala ng tubig NATIONWIDETOP STORIES Gate ng Ambuklao, Binga dam bukas pa rin sa pagpapakawala ng tubig August 7, 2023 13:52 206 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Bukas pa rin ang mga gate ng dalawang dam sa Luzon at patuloy na nagpapakawala ng tubig hanggang nitong Lunes, Agosto 7. Hanggang nitong alas-6 ng umaga, bukas pa rin ang isang gate ng Ambuklao Dam sa 0.50 meters, kapareho nitong Linggo. Ang reservoir water level ng Ambuklao ayon sa PAGASA ay nasa 751.33 metro nitong Lunes. Mas bumaba ito ng 0.16 metro mula sa lebel nitong Linggo na 751.49 meters. Ang normal high water level naman ng naturang dam ay nasa 752 meters kung kaya’t kinakailangan pa rin ang pagpapakawala ng tubig. Samantala, may dalawang gate na bukas naman ang Binga Dam sa Benguet sa isang metro. Tanging isang gate lamang ang nakabukas nitong Linggo sa 0.30 metro. Ang RWL naman ng Binga Dam ay nasa 574.30 meters nitong Lunes, may bahagyang pagtaas mula sa lebel nitong Linggo na 574.10 meters. Ang NWHL ng Binga Dam ay 575 metro. Nagdulot din ng pagtaas sa lebel ng tubig sa ilang mga dam sa Luzon ang malalakas na pag-ulan dala ng habagat kamakailan. Angat Dam: 199.82 meters La Mesa Dam: 79.36 meters Pantabangan Dam: 191.12 meters Caliraya Dam: 287.81 meters Sa kabilang banda, bumaba naman ang lebel ng tubig sa ilang dam, katulad ng: Ipo Dam: 100.75 meters San Roque Dam: 262.23 meters Magat Dam: 176 meters Matatandaan na dalawang linggong inulan ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Egay at Falcon. RNT/JGC