GAZA/JERUSALEM — Sapul ng inilunsad na airstrike ng Israel ang isang mataong refugee camp sa Gaza Strip, na ikinamatay ng hindi bababa sa 50 Palestinian at isang kumander ng Hamas.
Sinabi ng Israel na siyam na sundalo ang napatay mula noong nagpadala ito ng mga armored troops sa Gaza kasunod ng mga linggo ng pambobomba bilang pagganti sa pag-atake ng mga militanteng Palestinian Hamas sa mga bayan sa katimugang Israel noong Oktubre 7 at pagkuha ng higit sa 200 hostages.
Ayon sa pahayag ng Israel Defense Forces (IDF) na ang nasabing pag-atake ay ikinamatay ni Ibrahim Biari, isang Hamas commander.
Dose-dosenang mga mandirigma ng Hamas ang nasa parehong underground tunnel complex kasama ni Biari.
Samantala, itinanggi ng tagapagsalita ng Hamas na si Hazem Qassem na may senior commander sa kampo, at tinawag ang anunsyo na dahilan lang ng Israel para sa pagpatay sa mga sibilyan.
Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan ng Palestinian na hindi bababa sa 50 Palestinian ang namatay at 150 ang nasugatan. RNT