Home ENTERTAINMENT Gerald, nagsalita na sa pagbabati nina Julia at Bea!

Gerald, nagsalita na sa pagbabati nina Julia at Bea!

Manila, Philippines – Sa pakikipag-usap namin kay Gerald Anderson, kinuha namin ang reaksyon niya sa pagkikita at pagchi-chikahan ng current girlfriend niyang si Julia Barretto at ex na si Bea Alonzo sa isang event.

Nangyari ang pagbabati nina Julia at Bea sa surprise birthday party para kay Mr. Johnny Manaha sa Resorts World Manila.

Sabi ni Gerald, “Time heals.

“Ganoon talaga, you know, time heals and… basta moving forward lahat.”

Matatandaang noong 2019 naghiwalay sina Bea at Gerald dahil umano kay Julia.

Sinabi noon ni Bea na hindi sila nag-break ni Gerald kundi bigla na lamang daw hindi nagparamdam sa kanya ang aktor o ghinost siya.

Samantala, si Gerald ang team captain ng basketball team na Pola Pilipinas RPG na lalaban sa The Asian Tournament.

Sa April 19 ang unang laban nila na gaganapin sa China.

Ang dating aktor na ngayon ay isa ng successful businessman na si Raphael ‘RJ’ Martinez ang tumatayong Team Manager ng Pola Pilipinas while si Pola Mayor Ina Alegre ang co-owner ng nasabing koponan.

Si JR Cawaling ang head coach at si Jens Knuttel namam ang assistant coach. Rommel Placente