Home METRO German national na tumangging sumailalim sa security check dinakip

German national na tumangging sumailalim sa security check dinakip

97
0

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga awtoridad sa paliparan ang isang German national makaraang tumanggi umano itong sumailalim sa security screening sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nabatid na inaresto ang dayuhan na si Soleyman Kucukboga, 38-anyos, habang sasailalim dapat ito sa security screening process bago sumakay sa isang flight papuntang Vancouver, Canada sa pamamagitan ng flight ng Philippine Airlines PR-116.

Ayon sa mga awtoridad, tumanggi umano ang German na sumunod sa mandatory security screening procedures sa kabila ng paulit-ulit na kahilingan mula sa mga tauhan ng Office for Transportation (OTS).

Umabot sa pisikal na alitan ang ginawa ng pasahero matapos umanong itulak at sipain ang isang pulis sa NAIA Police Station 1 na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NAIA Police Station 1 ang inarestong dayuhan. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here