Home ENTERTAINMENT Gina, may hanash sa mga pabida sa pagkamatay ni Jaclyn!

Gina, may hanash sa mga pabida sa pagkamatay ni Jaclyn!

Manila, Philippines – Ikinagulat ni Coun. Alfred Vargas ang malungkot na balita tungkol sa pagkamatay ng beterana at award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Nakatrabaho ni Coun. Alfred si Jaclyn sa Pieta na pinagbibidahan ni Nora Aunor kaya personal niyang nasaksihan at naranasan ang husay sa pag-arte ng aktres at ang pagiging professional nito.

Isang karangalan para kay Alfred na makatrabaho ang aktres na kanyang hinahangaan at iginagalang.

Ikinabigla rin ni Phillip Salvador ang pagpanaw ni Jaclyn na nakasama niya sa pelikulang Gabi Na Kumander noong 1986.

Kinikilala ni Phillip ang galing ni Jaclyn sa pag-arte na naging paboritong aktres din ng kanyang mentor at discoverer, ang National Artist na si Lino Brocka.

Si Brocka ang direktor ni Jaclyn sa White Slavery, ang pelikulang nagbigay sa kanya ng unang nominasyon sa pag-arte noong 1985 mula sa isang award-giving body.

Samantala, pinuna ng actress-director at bilas ni Jacklyn na si Gina Alajar ang mga taong inunahan pa ang pamilya ng namayapang aktres na magbalita tungkol sa kanyang pagpanaw.

“Eto na naman tayo eh… laging gusto makauna sa scoop… tumahimik muna kayo!!!” pagsaway ni Gina sa mga taong walang respeto sa kapwa, partikular sa mga naulila ni Jaclyn. Rommel Placente

Previous article3,447 pasaway na motorista arestado sa NCR nitong Pebrero 2024
Next article16 patay sa flash flood, landslide sa Indonesia!