Home METRO Ginagawang kanal sa Tayuman, 1-taon nang tengga

Ginagawang kanal sa Tayuman, 1-taon nang tengga

193
0

MANILA, Philippines – Nagdudulot na ng malaking perwisyo sa mga motorista at residente ang ginagawang drainage sa bahagi ng Tayuman mula Dagupan Street hanggang Juan Luna sa Tondo, Manila.

Ayon sa mga residente, halos isang taon na umanong ginagawa ang proyekto pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.

Wala rin umanong nakapaskil na impormasyon kung sino ang contractor ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

May ilan ding lugar na walang inilagay na barrier sa paligid ng hukay, na maaaring magdulot ng panganib sa mga dumaraan, lalo na sa mga naglalakad na estudyante.

Ayon sa mga motorista, nagdudulot na rin ito ng mabigat na trapiko dahil kailangan nilang iwasan ang butas o hukay ng drainage at ang mga debris sa kalsada.

Panawagan ng mga apektadong residente at motorista kay DPWH Secretary Vince Dizon at sa lokal na pamahalaang lungsod na agarang tapusin ang drainage upang maiwasan ang aksidente at maibsan ang trapiko sa lugar.

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here