Home METRO Ginang dedo sa kinakasamang senglot na parak; ina sugatan

Ginang dedo sa kinakasamang senglot na parak; ina sugatan

186
0

DIGOS CITY — Patay ang isang ginang habang sugatan ang ina nito matapos silang pagbabarilin ng kinakasamang pulis na umuwing lasing sa kanilang bahay, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Mealjoy Basilgo Sanchez La Peña, 30 anyos, isang virtual assistant, at ang ina nitong si Merla, kapwa residente ng Barangay Aplaya ng nasabing lungsod.

Sa isinagawang manhunt operation, nadakip ng kanyang mga kabaro ang suspek na si Patrolman Orland Porquido Dinoy, 30, miyembro ng Hagonoy MPS.

Batay sa ulat ng Digos Police, naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng gabi noong Agosto 31, 2025, sa loob ng bahay ng biktima at suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Digos City PNP na dumating ang suspek sa kanilang inuupahang bahay na lasing, kasama ang kaniyang anak na babae.

Nagkaroon ng pagtatalo ang mag-live-in partner hanggang sa binunot ng suspek ang kanyang issued firearm at pinagbabaril si Mealjoy sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sinubukan namang umawat ng ina ng biktima, subalit maging siya ay nabaril at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek. (Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here