Home METRO Ginang ginahasa ng matandang binata sa SJDM

Ginang ginahasa ng matandang binata sa SJDM

249
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang matandang binata na umano’y puwersahang gumahasa sa isang ginang na kanyang kapitbahay sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “She”, 28, kasal, habang ang suspek ay si alyas “Neo”, 49, binata, guwardiya, kapwa residente ng Brgy. Assumption.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-2:00 ng madaling araw nitong Agosto 25 sa nasabing lugar.

Ayon sa report, sa kasarapan ng tulog ng biktima ay naalimpungatan ito nang maramdamang may nakapatong sa kanya.

Nakita niya ang gigil na gigil na suspek na puwersahang nagparaos sa kanyang nanghihinang katawan dahil sa pagkabigla at takot.

Nang makatiyempo ay agad humingi ng saklolo ang biktima sa mga awtoridad na rumesponde sa lugar kaya nahuli kalaunan ang kapitbahay na suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa 8353 habang nakakulong sa himpilan ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here