Home ENTERTAINMENT Gladys at Cristopher, muntik nang maghiwalay!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gladys at Cristopher, muntik nang maghiwalay!August 27, 2025 13:142730 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Most trying time para sa mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ang 2024.Ito kasi ang taong muntik na daw silang maghiwalay.Inamin ng actor-chef-entrepreneur na kung nangyaring mang tuluyan silang naghiwalay, hindi third party ang dahilan.Neither was it because he and Gladys didn’t love each other anymore.The couple needed to thresh out kung saan nag-uugat ang problema, at ‘yun ang panunulsol ng mga taong nakapaligid sa kanila.Good thing, hindi hinayaan ng celebrity couple na magpaapekto sa mga ‘yon.Inamin din ni Christopher na may mga tukso sa paligid, pero buti na lang daw at malakas ang kanyang control.All he has in mind to be able to resist ay ang asawa’t mga anak nila ng aktres.Inliwasan daw niyang matulad sa kanyang ama na napabayaan na ang pamilya nang dahil lang sa ibang babae.Ang pagka-busy rin ni Christopher sa kanilang negosyo–leaving him too little time for his wife–almost destroyed their marriage.Sa ngayon kasi, thriving ang kanilang That’s Diner resto bar na meron nang dalawang branches.Bukod dito’y meron pa silang commissary at canteen which are both doing well. Ronnie Carrasco III