Home METRO Gobyerno, pinagkokomento ng SC sa petisyon sa pagpapaliban ng BSKE

Gobyerno, pinagkokomento ng SC sa petisyon sa pagpapaliban ng BSKE

235
0

MANILA, Philippines – Pinagkokomento ng Supreme Court en banc ang gobyerno sa isang petisyon na naglalayong ideklara ang batas na nagpapaliban sa 2025 barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE) na labag sa konstitusyon.

Partikular na inatasan ng SC ang Senado, Kamara de Representante, Executive Secretary Lucas Bersamin at Commission on Elections (Comelec) na sumagot sa petisyon na inihain ni election lawyer Romulo Macalintal.

Sinabi ni SC Spokesperson Camille Ting, na ang kanilang tugon sa petisyon at prayer for temporary restraining order (TRO) ni Macalintal ay dapat isumite sa loob ng hindi pinalawig na panahon ng 10 araw pagkatapos matanggap ang notice.

Ang Republic Act No. 12232, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Miyerkules, ay hindi lamang inilipat ang halalan sa unang Lunes ng Nobyembre 2026, kundi pati na rin ang termino ng panunungkulan ng lahat ng barangay at SK officials sa apat na taon.

Ipinunto naman ni Macalintal sa kanyang petition for certiorari and prohibition na hindi binanggit ng RA 12232 ang salitang “postponement” sa 2023 Supreme Cuort decision sa Macalintal vs. Comelec na nagdesisyon na labag sa kontitusyon ang pagpapaliban ng BSKE nang walang anumang valid na dahilan.

Sa petisyon, hiniling ni Macalintal sa korte na maglabas ng TRO o status quo ante order na nag-uutos sa Office of the President na itigil ang pagpapatupad ng batas.

Ayon sa veteran election lawyer, ito ay isang malinaw na paglabag sa karapatan ng mga tao sa pagboto at isang paglabag sa kanilang karapatan sa impormasyon na nakakaapekto sa kanilang constitutional rights. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here