MANILA, Philippines — Tinuligsa ni Dr. Jose Antonio Goitia ang pag-abot ng note mula sa panig ng China kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. habang nagsasalita ito sa Seoul Defense Dialogue, na tinawag niyang pambubully at pagtatangkang manakot sa isang pandaigdigang forum.
Muling iginiit sa note na “illegal, null and void” umano at walang binding force ang 2016 South China Sea arbitral ruling.







