Manila, Philippines – Mali raw na pinuntirya ni Richard Gomez si Philippine Fencing Association Rene Gacuma nang batukan niya ito’t mura-murahin.
Hindi kasi nagustuhan ng aktor-mambabatas ang desisyon ni Gacuma na hindi palahukin si Alexa Larrazabal na miyembro ng Philippine fencing team na lumaban sa 33rd SEA Games.
Akmang iko-congratulate sana ni Gacuma si Goma dahil sa pagkapanalo nito pero inapakan daw siya nito at pinagmumura.
Nasundan pa daw uli ‘yon ng kaparehong insidente ilang sandali pagkatapos.
Walang anu-ano’y nakaramdam na lang daw ng malakas na batok si Gacuma.
Nagkataong kagagaling lang sa bypass operation ni Gacuma.
Inako naman ng aktor ang pagkakamali sa kanyang “ungentlemanly deeds” ngunit ayaw tanggapin ni Gacuma ang paumanhin ng Kongresista.
Marami naman ang nagsasabing kung meron daw dapat batukan si Goma, ‘yun ay ang kaibigang si Anjo Yllana.
Ito’y dahil sa mga paninira ni Anjo laban sa Eat Bulaga at mga hosts nito sa kabila ng pinagsamahan nila ng mga ito noong co-host pa siya ng programa sa loob ng 12 taon noon.
“Misdirected” daw ang galit ni Goma na naturingan pa manding may mataas na pagpapahalaga sa values.
Kilala si Richard sa showbiz na “pikon” pagdating sa larangan ng sports. Ronnie Carrasco III