Home NATIONWIDE Gov’t offices, paaralan sa NCR, 13 lalawigan naka-alternative setup ngayong Sept. 10

Gov’t offices, paaralan sa NCR, 13 lalawigan naka-alternative setup ngayong Sept. 10

112
0

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng alternative work at learning arrangements ang mga tanggapan ng gobyerno at paaralan sa Metro Manila at 13 lalawigan ngayong Huwebes, Setyembre 10, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinaigting na Habagat.

Nakasaad ito sa Memorandum Circular No. 135 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Saklaw ng kautusan ang National Capital Region, La Union, Pangasinan, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Alternative learning modes ang ipatutupad sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga nabanggit na lugar, maliban kung may ibang kautusan ang lokal na punong ehekutibo.

Patuloy namang magbibigay ng serbisyo ang mga ahensyang nangangasiwa sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Maaari ring magdeklara ang mga lokal na punong ehekutibo ng suspensiyon ng klase o trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ibang lugar batay sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here