Home HOME BANNER STORY Gov’t pensioners makatatanggap ng P3.7B Christmas cash gift mula Dis. 5

Gov’t pensioners makatatanggap ng P3.7B Christmas cash gift mula Dis. 5

162
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Miyerkules na magpapalabas ito ng P3.7 bilyong halaga ng Christmas cash gifts sa eligible pensioners simula Disyembre 5, 2024.

Sinabi ng GSIS na 358,310 pensioners ang kwalipikadong makatanggap ng Christmas cash gift na katumbas ng isang buwang pensyon, subalit hanggang P10,000 lamang.

Direkta itong ilalagay sa GSIS eCards ng kwalipikdong old-age at disability pensioners.

Gayundin, sinabi ng pension fund na ilalagay nito ang December pensions nang mas maaga ng dalawang araw sa Disyembre 6, sa halip na sa regular schedule nito tuwing ika-8 ng buwan “to help pensioners prepare for the holidays.”

“The Christmas cash gift is our way of expressing gratitude to our pensioners who dedicated their lives to serving the Filipino people. We hope this benefit will make their Christmas celebrations more meaningful,” ani GSIS president and general manager Wick Veloso.

Inihayag din ng GSIS na ang mga makatatanggap ng cash gift ay old-age at disability pensioners sa ilalim ng RA 8291, RA 660, at PD 1146 na aktibo at nakatatanggap ng kanilang buwanang pensyon sa loob ng hindi bababa sa limang taon hanggang nitong Nobyembre 30, 2024. 

Maaari pa ring makuha ng mga suspendido ang pensyon dahil sa hindi pagtalima sa APIR (Annual Pensioners’ Information Revalidation) ang kanilang cash gift kapag na-reactivate na ang kanilang mga account, anito.

Base sa GSIS ang mga sumusunod ang hindi makatatanggap ng cash gift:

  • pensioners na nakakuha ng five-year lump sum at makakukuha ng regular monthly pension pagkatapos ng Disyembre 31, 2024

  • survivorship at dependent pensioners

  • pensioners na nagretiro sa ilalim ng RA 7699 (Portability Law)

  • mga nakatatanggap ng pro-rata pension. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here