Home METRO Grade 10, 2 pa utas sa gov’t vehicle

Grade 10, 2 pa utas sa gov’t vehicle

122
0

KORONADAL CITY – Tatlong katao, kabilang ang isang Grade 10 pupil, ang namatay habang anim na iba pa ang sugatan sa isang aksidente sa kahabaan ng national highway sa Barangay Saravia dito noong Martes ng gabi.

Sinabi ni Police Master Sgt. Leo Dimaculangan, Koronadal City traffic chief, dalawang motor at isang government vehicle ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Soccsksargen (BFAR-12) ang sangkot sa aksidente na naganap alas-6 ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rogela Bayang, 25, ng General Santos City, na nagmamaneho ng motorsiklo, at gayundin si Rhealyn Hilaria, 21, at ang kanyang 15-anyos na kapatid na babae, kapwa taga-lungsod na ito, na sakay ng magkahiwalay na motor.

“Lahat sila ay idineklarang dead on arrival sa ospital,” sabi ni Dimaculangan sa isang panayam noong Miyerkules.

Nabangga ang mga motor ng BFAR-12 pickup truck matapos itong mag-overtake sa isang tricycle, dagdag niya.

Patungo sa Koronadal ang sasakyan ng BFAR habang sa kabilang direksyon ang mga motorsiklo.

Sugatan ang driver ng truck na si Pelong Dengkalan, 34, at ang mga pasahero nitong sina James Enrijo, 38; Ryan Tapon, 22; Roderic Tapon, 48; Kenneth Fronda, 24; at Reynan Lara, 40, pawang mga construction worker at residente ng Banga, South Cotabato.

Sinabi ni Dimaculangan na ito ang ikaapat na aksidente sa highway sa pababang bahagi ng kalsada sa Barangay Saravia nitong buwan.

Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence, resulting in homicide. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here